ARTICLE

Beach, Blondes at... Buko? "Sama-Sama" Ang Lahat Ng 'Yan Sa Bagong ROCKSTEDDY MV!


May bagong music video ang Rocksteddy na akmang-akma sa panahon natin ngayon.

Sukdulan na ang init ng summer season kaya naman na-isip ng banda na magpalamig sa pamamagitan ng kantang "Sama-Sama".

"Trip-trip-an lang na kanta 'yun actually. Na-buo lang 'yun sa trip-trip na ukelele. Tapos habang bumabyahe kami, naisipan naming sumulat ng kanta na medyo 'summer-y' , medyo reggae ng konti," paliwanag ng bokalistang si Teddy Corpuz.

"Isang maganda at isang masayang video na mabilis lang namin shi-noot," dagdag ni Teddy na siya ring direktor ng video.

Batangas beach, blondies in bikinis at Buko Juice ang mga main ingredients sa music video na ito, na nag-debut na sa #16 sa Pinoy MYX Countdown.

Curious ba kayo at gustong makita ang mga letter "B" sa Bidyo?

Panoorin ito sa ibaba at tulungang umangat sa MYX charts. Iboto ang "Sama-Sama" sa MYXPH.COM online voting poll.


Anong tingin ninyo sa "Sama-Sama" music video? Mag-iwan ng opinyon sa comment box sa ibaba.

Comments

X

  • Fatty_patutut

    posted 3 years ago

    Cooool :))

PHOTOS

VIDEOS