ARTICLE

"Hold On To Your Dreams!" - ERIK SANTOS To Fresh Grads


It's Graduation season!

Panahon na naman para i-welcome sa "real world" at batiin for a job well done ang ating Class of 2013!

Oras na para magdiwang matapos ang ilang taong nagbanat ng buto at nagsunog ng kilay upang makamit ang inyong diploma.

At sa mga bagong graduate, may ilang words of encouragement si Pinoy "Prince of Pop" Erik Santos para sa inyo:

"Hold on to your dreams and lagi lang tatandaan na huwag kayong hihinto sa pangarap ninyo. Maaabot niyo yan!"

Si Erik Santos ay minsang nangarap at nagtagumpay bilang Grand Champion ng "Star In A Million" halos isang dekada na ang nakakalipas. 

At kahit naging sobrang busy siya sa kanyang career, ang four-time MYX Music Awards Favorite Male Awardee ay nakapag-tapos sa kanyang pag-aaral noong 2010.

I-click ang video para sa buong mensahe ni Erik Santos.


Sa lahat ng nagsipag-tapos ngayong taon, congratulations at good luck sa pagharap sa bagong yugto at bagong hamon sa inyong buhay. This is the moment, guys!

Maaari niyong ipa-abot ang inyong mensahe para sa mga fresh grads sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS