ARTICLE

NEY, DELLO at KLEGGY Gustong Maging Boksingero, Art Director at Mascot!


Bahagi rin sina Ney, Dello at Kleggy ng Labor Day series!

Nai-kwento nila sa amin kung ano sa tingin nila ang kanilang trabaho kung hindi sila naging mga musikero.

Si Dello, isa raw siyang art director sa isang advertising agency bago siya naging rapper. "Kung hindi ako rapper ngayon, malamang yun pa rin ako. Abroad or dito sa Philippines."

Ito namang si Ney, mukhang gustong i-challenge si Manny Pacquiao! Ayon sa kanya, siguro raw ay isa siyang boksingero kung hindi siya naging musikero. Panuorin ang video sa ibaba at tingnan niyo kung pasado ba ang "jab-straight-hook" ni Ney!

Syempre, hindi magpapahuli si Kleggy. Kung wala raw siya sa banda ngayon, isa siyang mascot! "Nung bata ako, tuwang tuwa ako sa galaw ng mga mascots. Kapag nakikita ko sila talagang hinahabol ko sila," kwento pa ni Kleggy.

Watch our full interview with Ney, Dello and Kleggy below at panuorin ang bonus na "Gwiyomi" ni Kleggy!


Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS