ARTICLE

GRACENOTE Sends Out Their Love To Their "Mudras"!


As we celebrate Mom's Day today, we got to ask your favorite artists to deliver their special messages for their one and only mothers!

Nakausap ng MYXPH.COM ang bandang Gracenote kamakailan lamang at nakahingi kami ng special message from them to their loving moms.

"Yung mom ko kasi yun yung parang hero ko... aminado naman ako galing talaga sa kanya yung boses ko so sobrang thankful ako sa mama ko," shared vocalist and multi-instrumentalist Eunice Jorge.

Para sa mga hindi nakaka-alam, si Eunice at ang bassist ng banda na si Jazz ay magkapatid! "We love you Mommy!" ang shout out niya sa kanilang ermats!

Sabi naman ng gitarista na si Chen Pangan sa kanyang nanay: "Stay cool tapos huwag mong pababayaan sarili mo."

Ikinuwento naman ni EJ Pichay ang pagiging sweet ng kanyang "Mudra" na nagdadala sa kanya ng mga pasalubong sa bahay. "Kahit ano pa yan basta paborito ko. Natutuwa ako. So salamat Mom!" salaysay ng drummer.

Click the video below to view our complete MYXPH.COM exclusive chat with Gracenote.


Happy Mother's Day sa lahat ng mga nanay out there!

Feel free to leave YOUR Mother's Day greetings in our comment box below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS