ARTICLE

Realidad Na Ang "Ilusyon" Ni ABRA!


Habang nakatutok ang buong bayan sa resulta ng eleksyon, inilabas na ng rapper na si Abra ang kanyang bagong music video na kahit papano ay akma sa panahon. 

Sa kanyang kantang "Ilusyon", released under sa sarili niyang record label na Artifice Records, tinutuligsa ni Abra ang mga taong pilit na itinatago ang totoong kalagayan ng iba't ibang problema ng taong bayan. 

Sa chorus nitong "Huwag mo kong gagawing tanga!", ang rap ay may mensahe at hamon sa atin na mga taga-pakinig na maging matalino sa pagpapasya kung ano ang realidad at ano ang huwad.

Ang FlipTop rapper mismo ang nag-direct ng music video kung saan itinatampok si Arci Mu±oz at iba pang kaibigan niya sa industriya kasama na ang grupo niyang LDP.

Sa karamihan ng mga eksena, makikita siya bilang isang game show host. Tulad ng MYX Music Awards 2013 Favorite Video na "Gayuma", sinamahan ni Direk Abra ng comedy scenes ang kanyang directorial debut.

Sa dulo ay may pasaring din siya sa estado ng kanyang kauna-unahang album.

Get your first glimpse of Abra's "Ilusyon" below.


Panoorin si Abra sa Pinoy MYX ngayong linggo bilang MYX Celebrity VJ for the month of May!

Silipin ang kanyang behind-the-scenes photos dito.

Tutok lang sa MYX araw-araw at manatiling naka log on sa MYXPH.COM.

Anong tingin ninyo sa pinakabagong music video ni Abra? 

Malagpasan kaya nito ang mahigit 21 million views na ng "Gayuma"? 

Leave your comments below.

Comments

X

  • bhosxzmire_02

    posted 3 years ago

    beb abra ur the best!!!

  • Directioner'Lhea

    posted 3 years ago

    Kahit Directioner ako Abranatic padin naman ako... Nasayo ang suporta ko Idol Abra... Dont worry ipapasok kita sa Myx Daily Top Ten!

  • @AbLey

    posted 3 years ago

    i love it!

  • vanessa (ABRAnatiko)

    posted 3 years ago

    grabe,ganda neto! At napapanahon..congratz ,and more projects to come Team ABRA is always at ur side!! Muahh..

  • ekspi ava

    posted 3 years ago

    malupet to! atleast nakapag bigay paalala sya sa mga pulitiko :)

PHOTOS

VIDEOS