ARTICLE

Sa Friday Na Ang "Switch" Concert Ng CALLALILY at 6CYCLEMIND! May Tickets Ka Na Ba?


What comes to your mind when you hear the word "Switch"?

Iyan ang gusto ng Callalily at ng 6cyclemind na abangan ninyo sa June 7, 2013 sa Music Museum dahil sa araw na ito ay magaganap ang kanilang first ever major back-to-back concert titled "Switch"!

"Kung ano yung nasa utak nila na ibig sabihin ng 'Switch,' yun yung mangyayari on that night," sabi ng Callalily front man na si Kean Cipriano from their previous  press conference.

Siguradong puno ng sorpresa ang kanilang upcoming concert kaya naman mas lalo pang ma-eexcite ang mga fans ng two of the biggest bands in OPM today.

Paano nga ba nagsimula ang concept ng "Switch" back-to-back concert?

Kwento nina Kean at Tutti, nagsimula ito sa pag-perform nila ng regular back-to-back shows sa 70's Bistro at dahil sa positive responses na nakukuha nila from their fans ay naisipan nila, "Why don't we bring it to a bigger venue?" 

"We (Callalily) have been in the industry for eight years and they (6cyclemind) have been in the industry for the past 10 years. Andito pa rin kami, magkakasama pa rin kami. Gusto namin i-celebrate yun through 'Switch'," dagdag pa ni Kean.

After ng kanilang major concert sa Music Museum ay dadalhin ng Callalily at 6cyclemind ang "Switch" sa ating mga kababayan sa United States! Abangan niyo sila sa July 5 sa Los Angeles at sa July 6 naman sa San Francisco.

Panuorin ang video below as Kean Cipriano of Callalily and Tutti Caringal of 6cyclemind invite you to their first ever major back-to-back concert "Switch"!


You can check out our photo gallery for our exclusive photos from the "Switch"  press conference.

May tickets ka na ba para sa concert nila? Sali na dito sa MYXph.com at baka ikaw ang maging lucky winner ng free tickets to "Switch" PLUS a signed poster! To join the promo, click here.

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS