ARTICLE

GRACENOTE Talks About Their Fave School Subject And "Baon"!


Back to school na ang drama ng karamihan! Excited ang iba at medyo bad trip naman ang ilan dahil sa mga hasel ng first day of school.

Ano ba ang paborito ninyong baon at subject sa eskwela?

Natanong namin ang bandang Gracenote tungkol sa kanilang gustong chibugin at kung ano ang gusto nilang tinatalakay with their classmates noong sila ay nag-aaral pa.

"Na-aalala ko lahat kasi ng pagkain nilalagay ko ng cheese, eh. Basta may cheese gustong gusto ko na 'yun. Pinaka-favorite subject ko sa lahat History," sabi ng lead vocalist na si Eunice Jorge.

Si EJ Pichay naman, 'yung sikat daw na brand ng hotdog at corned beef ang gusto niyang inu-ulam sa school. 
"Favorite subject, alam ng lahat 'to, Science kasi gusto ko malaman 'yung mga eksplanasyon sa mga bagay-bagay," dagdag ng drummer.

Mukhang sagana sa potasssium itong bassist na si Jazz Jorge dahil mahilig pla siya sa saging! As for his favorite subject, it's Economics.

"Baon? Hotdog tapos bread, ganun lagi, para madali... tapos juice," sabi ni guitarist Chen Pangan, na ina-agaw pa daw sa kanya minsan ng mga classmates niya. Best friend naman niya ang numbers dahil gusto niya ang Math na nagagamit daw niya sa negosyo.

Panoorin ang kabuoan ng aming interview sa ibaba.


Here's a bit of trivia, the members of Gracenote all hail from St. Scholastica's College in Manila.

Kayo, anong paboritong subject at baon ninyo sa school? Share n'yo naman 'yung baon n'yo. Hindi literal ha!

Ibig namin sabihin, isulat kung ano ang paboritong baon at subject n'yo sa comment box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS