ARTICLE

BARBIE FORTEZA Todo ang Nakuhang Suporta sa Fans Day


Nagsitipon-tipon ang mga tagahanga ng teen star na si Barbie Forteza sa SM North Edsa The Block para ipagdiwang ang ôFanÆs Day.ö Bata man o matanda, babae man o lalaki, nagsama-sama at nakisaya ang lahat para sa pagdalaw ng kanilang idolo. 

ôUpside Down,ö ôWala Lang,ö at ôLaging Tapatö ay ang iba lamang sa mga kinanta ni Barbie. Namigay rin siya ng mga album at nagautograph para sa kaniyang mga fans pagkatapos ng programa. 

Nakausap ng MYXPH.com ang dalagang singer at napagusapan ang kanyang bagong album na kanyang inalay sa mga fans. 

ôDahil kapwa tweens at teenagers ang supporters ko ung mga kanta na talagang pinili ng MCA para sakin ay talagang makakarelate sila. Dahil ako somehow nakakarelate ako sa mga kanta ko dito. ö  Mahahanap sa kanyang album ang mga lyrics na pinaguusapan ang puppy love at heartbreaks na talagang naniniwala si Barbie na magugustuhan ng kanyang mga fans. 


Nang tanungin siya tungkol sa istorya ng music video niya ng kanyang kantang ôMeron Ba,ö sabi ni Barbie na dedicated raw ito sa madaming tao. Sabi niya, ôyung music video ay tungkol sa junior na may gusto sa senior na talagang feeling niya out of reach ganyanàna sa huli may gusto rin pala ung senior sa kaniya. Yung para sakin, para sa ibang kabataan diyan, kumbaga wag silang mawalan ng pag-asa dahil bukod sa puppy love lang naman yan eh hindi mo pa naman talaga alam kung ano ang nararamdaman o naiisip nung guy.ö


Para naman sa kaniyang mensahe sa fans, ang nasabi ni Barbie ay:
ôMaraming maraming salamat po sa walang sawang pagsupporta niyo na talagang kahit medjo nagiba ng career ang lola niyo, ay full support parin kayo sa akin. Maraming salamat po!



Ano pa ang gusto ninyo itanong kay Barbie? Magiwan ng comment sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS