ARTICLE

"Mag-Reflect Tayo Tungkol Sa Pagiging Pilipino Natin" -RICO BLANCO


Sa pag-gunita natin ng Araw ng Kasarinlan, natanong ng MYXPH.COM sa inyong mga paboritong artists kung ano ang kahalagahan ng araw na ito sa kanila.

Ayon kay Rico Blanco, ang araw na ito ay dapat ilaan sa pag-tuklas ng tunay na pagkakakilanlan ng isang mamayan ng Pilipinas.

"Independence Day... sine-celebrate natin kung sino talaga tayo at ano talaga tayo bilang mga Pilipino, bilang isang bansa," sabi niya. 

Dapat ay malaman natin ang kahalagahan ng pagiging Pinoy lalo na daw sa panahong maliit na ang mundo dahil sa Internet at globalisasyon. 

"There's nothing wrong with that. Ganoon talaga ang takbo ng panahon. Maybe it's a day na maganda mag-reflect din tayo tungkol sa pagiging Pilipino natin."

I-click ang video sa ibaba para sa aming buong panayam.


Matutunghayan mamayang gabi ang kauna-unahang solo concert ni Rico Blanco!

Ang sold-out na event na pinamagatang "Rico Blanco Live!" ay mangyayari sa Music Museum sa ganap na 8PM. 

Happy Independence Day sa ating lahat! Malaya kayong makakapag-komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS