ARTICLE

YAEL YUZON's Thoughts On Independence Day: Sing The National Anthem The Right Way



Ipinagdiriwang natin ngayon ang ika-115 taon ng ating kasarinlan.

Natanong namin ang ilan sa inyong mga paboritong OPM artists tungkol sa Araw ng Kalayaan at kung ano ang kabuluhan nito sa kanila.

Nai-kwento ni Yael Yuzon ang kanyang karanasan sa isang gig abroad kung saan nasaksihan niya ang madamdaming pagkanta ng ilang OFW's sa Pambansang Awit ng Pilipinas.

"Kung nandito ka kasi you kinda take it for granted, eh," sabi ng lead vocalist ng Sponge Cola.

Para sa kanya, maipapakita mo ang pagpapahalaga mo sa pagiging isang Pilipino kahit sa simpleng pag-kanta lamang ng "Lupang Hinirang".

"Yung mga nandito kasi na mga Pilipino kapag kumakanta ng Lupang Hinirang, masabi lang, eh. Parang: 'Wala, kasi flag ceremony, eh'," dagdag niya.

Panoorin ang aming buong panayam kay Yael sa video sa ibaba.


Kayo, paano ninyo ipinapakita na mahal ninyo ang bayang sinilangan? Malaya kayong makakapag-hayag ng inyong saloobin sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS