ARTICLE

Alamin Ang Top Five Favorite Music Videos Ni YOUNG JV Sa Star MYX Tonight!


R&B singer Young JV will be on Star MYX tonight as he will reveal his top five favorite music videos! Ano kaya ang kasama sa kanyang listahan? Find that out tonight on the MYX Channel on cable @ 10:30PM!

Noong Miyerkules ay ipinagdiwang natin ang ika-115 na taon simula nang makamit natin ang ating kalayaan noong June 12, 1898.

Dahil dito, tinanong namin ang ilan sa inyong mga paboritong musikero kung gaano ba ka-importante sa kanila ang Independence Day.

Ang R&B singer na si Young JV, anak ni Retired Army Col. Eduardo "Red" Kapunan, ay nakapanayam ng MYXph.com at dito ay ibinahagi sa amin na marami siyang natutunan sa pagiging anak ng isang sundalo.

"My dad taught me a lot about respect sa mga heroes. Marami akong alam sa ganyan. It's very important for me kaya I celebrate it with pride."

Panuorin ang buong panayam namin kay Young JV sa video sa ibaba:


Noong Lunes, Young JV was named as one of the new ambassadors of the Hero Foundation, Inc. na tumutulong sa pag-aaral ng mga anak ng ating mga sundalo.

"I feel humbled. Anak din ako ng sundalo kaya naiintindihan ko what they go through," he said.

Check out our exclusive photos from the Hero Foundation Donation Box Unveiling Ceremony by clicking here.

Don't forget to catch Young JV on Star MYX tonight @ 10:30PM!

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS