ARTICLE

Ang Masasabi ni BARBIE FORTEZA Tungkol Sa Mga Bashers


Ano nga ba ang mga hinarap na mga challenges ni Barbie Forteza bilang dalagang singer at artista?

Nakausap ng MYXPH.com si Barbie Forteza at nalaman namin ang mga bagay na nasa isip niya. Sabi ni Barbie, "tanggap ko naman na hindi lahat ng tao gusto ako. So, alam niyo yun, parang hindi naman lahat ng nakatingin sakin, gusto ako... maganda yung tingin sakin, parang ganyan. Para sakin kasi, hindi ko masyadong sineseryoso ung mga ganyang bagay, dahil the more na seryosohin ko, the more na maprepressure ako. Baka hindi ako makapagperform pa ng maayos. So, mas mabuti isipin ko na gusto nila ako lahat."



Kahit sino ka man, kapag ika'y nasa industriya, di maiiwasang magkaruon ng bashers. Para Kay Barbie, mas mabuti na lamang na di pansinin ang mga ito. "Kahit papano may mga fans naman ako. Kaya yun nalang...dun nalang ako dumedepende." Pinasasalamatan rin niya ang kanyang pamilya para sa kanilang suporta. "Ever since...hindi ko naman magagawa ito kung di sila papayag di ba?" sabi ng dalaga. Nagkwento siya kung gaano kahirap magtrabaho habang pinagpapatuloy ang kanyang pagaaral. "May tiwala sakin yung family ko na kaya ko pagsabayin," sabi ni Barbie.  

Sa batang edad, marami ng nakamit si Barbie. Nakapasok na siya sa pagaartista at pagkakanta, mayroon pa kaya siyang balak pasukan?

Ano ang masasbi niya sa sinabi ni Barbie? Ipaalam niyo sa pamamagitan ng apgiwan ng comment sa ilalim!

Comments

X

  • KentFranciss1D

    posted 3 years ago

    We love you BARBIE! :))

PHOTOS

VIDEOS