ARTICLE

Umpisa Na Ng UAAP Season 76! Watch Your Favorite Artists Cheer For Their Schools!


Isang exciting na taon na naman ang nagsimula para sa mga students and athletes ng walong colleges na kasapi sa UAAP.

Ang 76th Season ay pormal na inumpisahan ngayong araw sa SM Mall of Asia Arena sa pangunguna ng host school Adamson University.

Panooring ang masayang video sa ibaba kung saan nag-cheer ang inyong paboritong mga banda para sa kanilang mga schools! 


Pagkatapos ng opening ceremonies ngayong araw, bibinyagan ng UE Warriors at ng FEU Tamaraws ang hard court ng MOA Arena.

La Salle Green Archers at UST Tigers naman ang magtatapat sa second game.

Bukas ay UP versus Adamson sa first game at susubukang manalo ng NU Bulldogs sa defending champs Ateneo Blue Eagles sa ikalawang laro.

Mapapanood ang mga games na ito 2PM onwards sa Studio 23 at sa Balls HD channel 167 sa Sky Cable.

I-cheer ang inyong mga UAAP schools sa aming comment box.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS