ARTICLE

Tuloy Ang Battle Of The Bands Sa Hard Court! Watch MYX 3on3 Tonight @ 6:30PM.


Painit na nang painit ang mga laban sa MYX 3on3!

Ito ang first and only basketball league kung saan mapapanood ninyo ang inyong paboritong OPM musicians magpakitang gilas sa larangan ng palakasan. 

Ang magkakaibang genre at magkakaibang network affiliation ay hindi naging hadlang upang magsama-sama ang mga unique athletes na ito at maghatid ng umaatikabong hoop action.

Mamaya 6:30PM ay mapapanood ang Yellow Team versus the Blue Team!

Click here to get a sneak peek from tonight's featured game.

Ang Yellow Team ay binubuo nina Young JV, Mong Alcaraz, Gian Magdangal, Noel Cabangon at Christian Bautista.

Sina Yan Yuzon, Chi Evora, Wendell Garcia, Ariel Lumanlan at TJ Brillantes naman ang mga manlalaro sa Blue Team.

Tutukan na ang mga exciting na laro sa MYX 3on3 Season 2!

Tune in to the MYX channel every Sunday at 6:30PM!

Ilang beses kaya sasabihin ni Calde at Chino ang katagang "It's Blue Ball!" sa laro mamaya?

Comments

X

  • Eun-kyung

    posted 3 years ago

    meron ph0 b sa studio 23???

PHOTOS

VIDEOS