ARTICLE

Alamin Ang Kwento Sa Likod Ng "Discolamon" Mula Mismo Kay KLEGGY!


Talagang mapapa-indak ka kapag napanuod mo ang pinaka-bagong music video ng Banda Ni Kleggy para sa kanilang latest single na "Discolamon"!

Composed of Bobby and Rye of 6cyclemind, Lem of Callalily, Berns, Otep and Kleggy, the boys showcased their talent in dancing as they grooved to every beat of the song.

Nang makapanayam namin si Kleggy ay naibahagi niya sa amin ang kwento sa likod ng "Discolamon."

"Mahilig siyang sumayaw sa disco tapos may nakasayaw siyang isang babae na yun lang ang lagi niyang kasayaw... Habang tumatagal, biglang nawala si reyna ng dance floor so nawalan ako ng ganang sumayaw, tinamad na ako... Naging discolamon... Ang ginagawa ko na lang kumakain kasi nalungkot na ako..."

Star-studded din ang music video na ito dahil makikita niyo rito sina Ryan Bang, Jhong Hilario at Kim Chiu. 

Ayon pa kay Kleggy, nakita ng banda na si Kim talaga ang bagay na maging reyna ng dance floor para sa kanilang music video. 

"Bukod sa cute siya, ang galing niya sumayaw!," dagdag pa niya.

Panuorin ang buong panayam namin kay Kleggy by clicking the video below!


Sa MYX Daily Top Ten ay umakyat na sa No. 4 ang "Discolamon!" Patuloy lang ang pagboto dito sa MYXph.com via online voting poll at the right side of your screen on our homepage!

Maka-akyat pa kaya sa countdown ang "Discolamon" ng Banda Ni Kleggy? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

  • azaleia tan

    posted 3 years ago

    Super Nice!

PHOTOS

VIDEOS