ARTICLE

LOUGEE Answers The Question: "Kung Kasali Ka Sa 'The Voice' At Lahat Ng Coaches Humarap, Sino Ang Pipiliin Mo?"


"The Voice" weekend na naman! I'm sure nakatutok na naman ang buong Pinas sa unang season ng sikat na singing competition na ito.

Aminado si Lougee Basabas na minsan nang sumagi sa kanyang isip ang pagsali sa "The Voice of the Philippines".

Natanong namin ang 28-year-old singer, na if ever napasama nga siya sa blind auditions at inikot ng lahat ng judges ang kanilang mga upuan para sa kanya, sino kaya ang pipiliin niya?

"Kung may pipiliin mang isang coach na pinapaniwalaan ko talaga, that would be apl," sabi ng dating bokalista ng mga bandang Mojofly at DeLara.

"Kasi mahusay siya talaga na artist and pina-proud niya ang mga Pinoy dahil nadala niya international yung music niya," dagdag pa niyang papuri sa Black Eyed Peas member.

I-click ang video sa ibaba para mapanood ang buo naming panayam... at sa isang video bomber sa dulo!


Busy ngayon si Lougee sa pagbabalik sa OPM scene bilang solo artist, sa tulong ng dating drummer ng DeLara at current boyfriend niyang si Ali Alejandro. 

Abangan natin ang kanilang mga upcoming projects sa mga susunod na buwan!

Kayo, sinong coach ang trip ninyong maging mentor sa "The Voice"? Lea Salonga, apl.de.ap, MYX Celebrity VJ for the month of July Bamboo, o si Sarah Geronimo?

Ilagay ang inyong sagot sa aming comment box!

Comments

X

  • ja1207

    posted 3 years ago

    kung exceptional talaga ang voice, kahit sino, panalo

    pero kung mediocre lang at nakapasa hanggang sa live shows...team sarah na...feeling ko maraming popsters ang boboto sa kung sino man ang matitira sa team sarah...:D

  • @ryan

    posted 3 years ago

    lea salonga

PHOTOS

VIDEOS