ARTICLE

Ruben Of CUESH+ Reveals Why He Picked His Jersey Number. Don't You Dare Miss The Exciting Game On MYX 3on3 TONIGHT!


Isang malupit na streak shooter ang new member ng MYX 3on3 Red Team na si Ruben Caballero.

Ang CueshT vocalist ay isa sa mga dahilan kung bakit nangunguna sila ngayon sa standings sa Season 2 ng liga.

Isang panalo na lang ay siguradong pasok na ang Red sa Finals!

Swerte kaya siya sa jersey number? Bakit kaya napili niya ang #31 bilang numero?

"The story behind my jersey number is my wedding day," sabi niya sa isang eksklusibong panayam with MYXPH.COM.

"Kaya everytime na I have a tournament, my number is always 31," dagdag pa ng musician na ikinasal pala noong January 31, 2000.

Nagkataon lang din daw na ito rin ang numerong isinuot ng kanyang idol na si NBA legend Reggie Miller, na nakilala din bilang 3-point specialist.

I-click ang video sa ibaba for our full interview.


Panoorin si Ruben mamaya sa MYX 3on3 kung saan makakalaban nila ang Blue Team.

Silipin ang mga kuha namin sa laro sa aming photos section.

Alamin kung ano ang magiging role ni Ruben sa game na ito, na sinasabing pinaka-exciting sa lahat ng laro sa Season 2!

Tutok na sa MYX channel mamayang 6:30PM!

Mag-iwan ng komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS