ARTICLE

Monty Ng MAYONNAISE Excited Na Para Sa ATENEO-LA SALLE Game!


Matutunghayan na naman ang pinaka-matinding rivalry, hindi lamang sa UAAP, kung hindi sa buong larangan ng Philippine sports.

Unang beses maghaharap ngayong araw sa basketball ng Ateneo Blue Eagles at ng La Salle Green Archers sa season 76.

Pati mundo ng music ay siguradong nakatutok sa larong ito upang suportahan ang kanilag mga favorite teams. 

Ang mga miyembro ng Sponge Cola at Parokya ni Edgar halimbawa, aymay dugong bughaw 'ika nga, dahil nag-aral sila sa Ateneo.

Sa panig ng Archers, reresbak naman si Monty Macalino ng Mayonnaise. Galing siya sa College of St. Benilde na sister school ng La Salle.

Nasubaybayan namin ang panonood ni Monty sa unang panalo ng DLSU kamakailan lamang.

Panoorin ang kanyang blow-by-blow account ng larong iyon sa video sa ibaba.


Watch your fave OPM bands cheer for their respective schools in our video below.



Kayo, saan kayo kampi, La Salle or Ateneo? Cheer for YOUR fave teams in our comment box below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS