ARTICLE

Beteranong Pinoy Rocker Suportado Ang Mga Bagong OPM Acts!


Isa ang bandang The Youth sa mga pasimuno ng alternative music boom noong 90s sa Pinas. 

Dahil sa mga awiting "Multo sa Paningin (Multong Bakla)", "Mukha ng Pera" at "Tao Po", sila ang sagot ng Pinoy punk rock sa pop rock naman ng Eraserheads noon.

Aktibo pa din ang grupo at nagbabalik indie scene, the way punk rock should be, 'ika nga!

Sa isang successful bar gig kamakailan, nahingian namin ang The Youth bassist na si Robert Javier ng kanyang opinyon tungkol sa kasalukuyang Pinoy music scene.

Napapansin niya daw niya na may malawak na variety ng music na mapapakinggan ang OPM lovers ngayon.

"Marami na pong gumagawa sa ating Pinoy ngayon, na bago," sabi ng bassist/record producer. 

"Ngayon ay panahon ng changing of the guards sa music," sabi ng beteranong musician kasabay ng pag-banggit sa rapper na si Abra at sa bandang Tanya Markova, bilang tagapag-mana ng trono nina Gloc-9 at Parokya ni Edgar.

Dagdag pa niya, maaaring bilang na ang araw ng K-Pop, at manunumbalik na ang interes ng mga tagapakinig sa Pinoy Pop o P-Pop.

I-click ang video sa ibaba para sa aming buong panayam.


Nanunumbalik na nga kaya ang interes at suporta ng mga Pilipino sa orig na musikang sariling atin? Sino ang paborito ninyong OPM musician?

Maaari kayong mag-iwan ng komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS