ARTICLE

Naranasan Mo Na Ba Ang Mapaglaruan? May Awit Si KZ TANDINGAN Para Sayo!


For sure ay marami na sa inyo ang naranasan ang magmahal, marami na rin siguro ang nasaktan. Pero naranasan niyo na ba ang mapaglaruan?

Heto at may awit si KZ Tandingan na siguradong marami ang makaka-relate.

Sa album launch ng kanyang self-titled debut album ay ipinarinig ni KZ ang kanyang carrier single na "Puro Laro" at nang makausap ng MYXph.com ang X Factor Philippines first grand winner ay naitanong namin sa kanya kung ano ba ang istorya sa likod ng awit na ito.

Ayon kay KZ, para ito sa mga tao na ang tingin sa pag-ibig ay laro. "Para sa mga tao na minsan hindi nila iniisip na seryosohin yung pag-ibig. Akala mo totoo na, pero hindi pa pala..." dagdag pa ni KZ.

Panuorin ang buong panayam namin kay KZ Tandingan by clicking the video below:


You can vote for KZ's "Puro Laro" here on MYXph.com! Mag-register, i-verify ang iyong email at i-type ang: Puro Laro - KZ Tandingan sa aming online voting poll at the right side of your screen on our homepage.

KZ Tandingan's self-titled debut album under Star Records is now available at all leading record bars nationwide.

Nakaka-relate ka ba sa kantang ito? Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS