ARTICLE

CHARICE, #1 Sa "Hotties" List Ng Isang Lesbian Website!


Matapos aminin ang kanyang tunay na sexual preference, kinilala ngayon ang singer na si Charice bilang isa sa hottest lesbians sa buong mundo!

Isang article mula sa Autostraddle.com ang nagsama sa Pinay artist sa "105 Hotties You Will Like Who Also Like Girls".

Ayon sa author, sobrang mahal nila si Charice dahil sa lahat ng kanyang achievements mula noong siya'y bata pa, hanggang sa panahong lumabas siya sa US TV show na "Glee", at sa paghahayag ng tunay niyang pagkatao kahit na tutol dito ang kanyang pamilya.

Kabilang din sa listahan ang American musician na si Tracy Chapman (#72), Hollywood actress na si Zoe Saldana (#38), Pinay stage actress na si Monique Wilson (#61) at ang former Pinoy Big Brother housemate na si Divine Maitland-Smith (#9).

Although random daw ang listahang kanilang ginawa, mas nabigyang pansin ang mga nasa top ng list dahil, hindi tulad ng iba, mas recent silang umamin na sila'y lesbians.

Ang Autostraddle.com ay nagtatampok ng news, features at opinions patungkol sa mga lesbians at babaeng bisexual.

Anong masasabi ninyo tungkol sa listahan na ito? Pabor din ba kayo sa new look ni Charice?

Mag-iwan ng inyong opinions sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS