ARTICLE

Silipin Ang "Los Filibusteros" Vintage Photo Collection nina RA RIVERA, LOURD DE VEYRA, JUN SABAYTON at RAMON BAUTISTA!


Sawa ka na rin ba sa mga common Instagram posts na nakikita mo araw-araw tulad ng selfie at kung anu-ano pa? 

Ito ay isa sa mga dahilan nina RA Rivera, Lourd de Veyra, Jun Sabayton at Ramon Bautista kung bakit naisipan nilang gumawa ng isang vintage photo collection na tinawag nilang "Los Filibusteros."

Sa nakaraang music video shoot ng bandang Pedicab, kung saan may cameo appearance sina RA, Lourd, Jun at Ramon, ay nakausap namin sila tungkol sa kakaibang photo collection na ito.

Photo from RA Rivera

Photo from RA Rivera

"Maliban sa gusto namin magkaroon ng materyal para sa Instagram, Twitter at sa Facebook, nais po namin magbigay-pugay sa mga ilustrado na ipinaglaban po ang kasarinlan ng ating bayan," ayon kay Lourd de Veyra.

Photo from RA Rivera

Photo from RA Rivera

Ang mga litratong ito ay kinuha nina Dix Buhay at Tom. Si Dix Buhay ang cinematographer ng pelikulang "Tiktik: The Aswang Chronicles" at "OTJ."

Panuorin ang buong panayam namin kayna RA, Lourd, Jun at Ramon sa video sa ibaba:


Tingnan ang iba pang larawan sa Facebook page ni RA Rivera by clicking here.

Pwede niyo rin bisitahin ang Facebook page nina Rod Sabayton, Lourd de Veyra at Ramon Bautista.

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS