ARTICLE

BANDA NI KLEGGY Tumugtog Para Sa Estudyanteng Fans Sa SM Manila


Napuno ang Activity Center ng SM Manila kahapon ng mga estudyanteng siguro'y nagskip pa ng klase para lang manuod ng programa hatid ng Banda ni Kleggy.

Tumpak na natuwa ang mga dumalo sa album launch dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makita face-to-face ang mga supporters ng banda na Si Kean at Tatsi ng Callalily, Tutti ng 6Cyclemind at Eunice ng Gracenote. Ang mga ito ay nakimeet and greet muna sa kanilang fans bago nakijam kasama ang Banda ni Kleggy. Halos nagmukhang eskwelahan ang Activity Center dahil halos puro estudyante ang nagsipunta. Bata man o matanda, nagsipilahan ang mga fans ng banda at bumili ng bago nilang album. 

5 PM na noong nagsimula ang tugtugan. Lumabas ang frontman ng banda na, sino pa ba kundi si, Kleggy Abaya at sinundan ni Rye Sarmiento, Berns Cuevas, Bobby Canamo, Lemuel Belaro at Otep Concepcion. 

Isang araw na puro kantahan at tawanan kahapon sa SM Manila. Hindi naubusan si Kleggy ng mga banat at hirit na siyang iniwan ang kanyang mga bisita na humahalakhak at halos di na makahinga. 

Bago nagsimula na tumugtog ang banda, Hinubad ni Kleggy ang kanyang jacket at sinabi " Sino may gusto ng jacket?" Nagsihyawan ang kabataan hangang biglang hirit ni Kleggy "Ayan O! Nagbebenta sa tabi!" At hindi duon natapos ang kalokohan! Sa gitna ng programa napasabi pa siya ng "ang daming students! Nakailang kanta palang kami, napawisan na kilikili ko!" 

Pagkatapos kantahin ang "Umay" na sinabayan kantahin rin ni Kean, Tutti at mga fans na dumalo, pinakilala isa't isa ang mga miyembro ng frontman ng banda. Pinakilala si Berns bilang kapatid. Si Otep naman ay pinakilala bilang "pinakagwapo ...ak.a. Vin Diesel slash Dennis Rodman." Sabi ni Kleggy na habang siya daw ang Coco Martin ng banda, si Lemuel naman daw ang katawan ng banda na ika nga'y "galing siniskwela." Ang grabe naman mangarap at tinatawag ng banda na Phil Younghusban, ay si Rye, na mukhang totoo dahil sa tili at sigaw ng mga babaeng nagkakagusto dito. 

May isang pagkakataon na umalis ng stage si Kleggy at biglang bumalik na nakasuot ng wig! Kinanta nila ang "Anong Paki Mo Sa Long Hair Ko" at sa huli ay isinuot ang buhok sa kalbong miyembro.

Nakikanta rin on stage si Kean bago plinay ng banda ang debut single nila na "Discolamon" na siyang nagtapos sa programa.

Talagang masaya kahapon sa SM Manila. Nakita ng mga fans ang banda at nakapagpasign pa ng album na nabili nila!

Nakapunta ka ba? Pupunta ka ba sa next gig nila? Magiwan ng comment sa baba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS