ARTICLE

SPONGE COLA Nagtanghal Ng First Major Concert!


Isang malaking "check" na naman ang na-ilista ng bandang Sponge Cola sa kanilang career achievements!

Kagabi ay naganap ang kanilang first-ever major concert sa Music Museum na tinawag nilang "Maximum Capacity".

Isang napaka-husay na palabas ang natunghayan ng fans, friends and family ng banda.

Nakipag-duet si Zia Quizon sa kanyang kantang "Ako Na Lang". 

Ex-drummer Chris Cantada made a surprise appearance and sang "Jilian".

As expected, "Mr. Pure Energy" Gary Valenciano jammed and danced with the band on "Ayt", before paying tribute to the La Salle-Ateneo rivalry sa kantang "Puso".

Ang anak niyang si Paolo Valenciano ang director ng concert!

Ryan Bang almost stole the show dahil sa kanyang pagpapatawa. Naki-jamming siya sa favorite niyang Sponge song na "Bitiw". 

Siya din ang kumanta ng parts ni Chito Miranda sa "XGF", sabay comment na akala niya si Abra si Los Magno!

Napakilig naman ni Yael Yuzon ang buong venue nang abutan niya ng bulaklak si Karylle na nasa audience.



"Sobrang tuwang-tuwa! It's overwhelming. The whole feeling of working with these guys pa lang, tapos having our guests and having people fly in from all over to catch it; it's just a great feeling," sabi ni Yael pagkatapos na pagkatapos ng successful show.

"Talagang magical experience for us", dagdag ng frontman ng bandang mahigit isang dekada na sa industriya.

At para sa mga hindi nakapanood, ito lang ang mensahe ni Yael: "There's gonna be a repeat definitely!"

Setlist:
22
KLSP
Tuliro
Tambay
Ako Na Lang with Zia Quizon
Una
Nakapagtataka
'Di Na Mababawi
Jilian with Chris Cantada
Gemini
Ayt with Gary Valenciano
Puso with Gary Valenciano
Jamming to audience requests
Jeepney
XGF with Ryan Bang
Bitiw with Ryan Bang

Encore:
Pasubali
Lunes
Kay Tagal Kitang Hinintay

Silipin ang MYXph.com exclusive photos from "Maximum Capacity" dito.

Panoorin ang isa sa maraming highlights ng gabi sa aming video sa ibaba. 



Congrats, Sponge Cola!

Nag-enjoy ba kayo sa unang major concert ng Sponge Cola? Mag-iwan ng komento sa ibaba.

Comments

X

  • pjdaquino19

    posted 3 years ago

    Congrats SpongeCola! Hihi. Kakilig lang! :)

PHOTOS

VIDEOS