ARTICLE

Paintings Sa Pader Para Sa Peace? Pwede!


Art sa kalsada. 

Kung hindi "MMDA Art", matatanaw ang mga vandals ng mga clan at gang or ang creative graffiti ng mga street artist. 

Or ang pamosong katagang "Bawal Umihi Dito" ang madalas na maaaninag ninyo.

Pero napansin niyo ba 'yung mga artworks sa kahabaan ng Edsa at mga karatig kalye nito?

Naibsan na ba kahit paano ang inyong inip sa trapik sa pagmamasid sa mga paintings na yun?

Sa mga hindi nakaka-alam, bahagi ito ng proyektong Edsa-Bayanihan Peace Mural na hangad ang pagpapalaganap ng mensahe ng kapayapaan at bayanihan.

Na-curious kami sa MYXph.com kung sino ba ang mga taong ito na nagbibigay-kulay at kabuluhan sa ating mga kalye.

Isang hapon sa may Boni Serrano Avenue, ay nahagilap namin ang head artist at punong-abala sa proyekto na si AG Sa±o.

Naikwento ni AG kung paano nila naisip ang konseptong ito na nagsimula lang daw biling isang guni-guni.

"Everything was spontaneous in the beginning. Naisip namin magpinta sa pader na 'to... Eventually we had a plan to do a peace mural," sabi ni AG na isa ring environmentalist at founder ng "Dolphins Love Freedom". 

Nakapagpa-swimming na siya ng libu-libong dolphins na sa mga pader ng Metro Manila bilang protesta sa mga nanghuhuli, pumapatay o gumagamit sa mga palabas sa mga ito.

At sa tulong nga ng iba't ibang organizations at volunteers from different walks of life, sinimulan nila ang "World's Longest Mural".

"We conducted a workshop before we made the design and we invited different stakeholders and the community... people from different NGOs who are into peace-building advocacies" kwento pa ng UP Diliman Architecture student.

Sa kabuuan, almost 4 kilometers ang haba ng mural na ito na pumapalibot ngayon sa Camp Aguinaldo. Nagpapakita ito ng mga imahe ng kapayapaan at pagtatanggol sa bayan.

"We divided the walls into three parts, so this part, the Santolan side would be about the protection of sovereignty of the Philippines and the beauty of the Filipino people. Edsa would be about 'bayanihan' or peace-buliding community efforts. You would see scenes depicting 'bayanihan' in times of disasters, in times of calamity and also in regular days."

Ang current record holder ay ang bansang Chile na may 1 kilometer peace mural. 

Ngunit bale-wala daw para kay AG ang world record kung hindi naman ma-isasabuhay ng mamamayang Pilipino ang mensahe nila.

"We're really not after that It's not part of the intention. The intention is just to relay a message to tell stories about peace and invite people to become part of this advocacy."

Panoorin ang aming full interview kay AG Sa±o sa ibaba.


Makibahagi sa inauguration ceremony ng "Lakbay Para Sa Kapayapaan Sa EDSA" sa darating na Sabado, July 27 sa People Power Monument.

Puntahan ang Project EDSA Facebook page for more details.

Pwede palang gawing daan para sa kapayapaan ang mga pader ng ating lansangan! Iba talaga ang Pinoy! 

Mag-iwan ng inyong saloobin sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

  • chix2b

    posted 3 years ago

    cnu po pde mag painting sa pader namin dto sa cavite libre po ba yang peace na painting na yan ...ako po si tina 09109364542

PHOTOS

VIDEOS