ARTICLE

AIA DE LEON Sumali Sa "The Voice"


Isa sa pinaka-kilalang female singers ng pinoy rock scene ang sumali sa "The Voice of the Philippines".

Si Aia De Leon ay sumabak kagabi sa blind auditions at inihayag ang pag-alis sa bandang Imago.

"Isa po sa mga mahirap na desisyon na kinailangan kong gawin ay ang pag-paalam ko sa aking banda dahil may mga bagay talaga na bilang tao kailangan mong gawin para ikaw ay mas lalo pang maging mabuti sa iyong ginagawa," sabi ni Aia sa kanyang interview bago umawit in front of the coaches.

At nang tanungin kung bakit niya nais sumali, "Gusto ko manalo sa 'The Voice' kasi gusto ko pong humaba ang aking journey."

Ngunit ang paglalakbay na iyon ay pansamantalang tumigil sa singing competition na ito.

Wala sa apat na coaches ang umikot para sa kanyang version ng "The Way You Make Me Feel" ni King of Pop Michael Jackson.

"Gusto ko talaga maramdaman 'yung na-push ko 'yung limits ko kasi for 15 years kasama ko 'yung banda ko. Napaka-komportable nun para sa akin. And 'yung maranasan ko lang na tumayo mag-isa kasi nakakatakot na 'yun para sa akin, eh. Pero nagawa ko siya" buong pagmamalaking sabi ng 35-year old performer.

All four coaches felt bad nang ma-recognize nila si Aia.

"Ina-admire ko po kayo dahil lumabas kayo sa comfort zone ninyo, you pushed your limits," sabi ni Sarah Geronimo

Sabi naman ni Bamboo,"You are radiant there. You are such a gem. Thank you for joining the competition."

"I love the originality. I like that you're stepping out of your shell and trying something new so keep doing that," and advice naman ni apl.de.ap bago sabihin ni Aia na "I promise you, I will."

"I'm actually a fan of this woman. I came home for a vacation from New York kasi I was doing Les Mis. I went to see a show pero nag-open sa kanila Imago. So here she is with her guitar. Her voice, grabe 'yung angas niya bilang leader ng banda. She is one of the most talented vocalists that I have ever heard. My heart's still bleeding for that one," sabi naman ni Lea Salonga na paboritong coach ni Aia.

"Importante 'yung continuously china-challenge 'yung sarili. Yung wag iisipin na 'kaya ko na ang lahat' kasi 'pag sinabi ko sa sarili ko yun... wala ka nang matututunan," panghuling sabi ng OPM singer-songwriter.

Ang Imago ay nabuo noong 1999 at naging isa sa mga most influential female-fronted bands ng Pinas. 

Pinasikat nila ang mga kantang "Akap", "Taralets" at "Sundo".

Nakatanggap sila ng napakaraming nominations at awards including Favorite MYX Live Performance sa 2009 MYX Music Awards.

Check out Imago's MYX Live performance of an early hit na pinamagatang "Rain Song" sa video sa ibaba.


Proud kami sa iyo, Aia! We wish you all the best sa iyong future projects.

Ano ang masasabi ninyo sa pagsali ni Aia de Leon sa "The Voice"? 

Feel free to leave YOUR comments below.

Comments

X

  • PinoyBidyo

    posted 3 years ago

    Try mo ulit next year Aia. Siguradong pasok ka at panalo ka pa agad. At least meron ka din experience & exposure galing sa pag audition sa show.

  • ja1207

    posted 3 years ago

    sayang talaga siya, ndi bumagay sa kanya ung song...pang-pop/alternative rock kasi boses nya eh...sana magreunion nalang sila ng imago,...TVP is really not for her, lalo na with her status as a known vocalist...

PHOTOS

VIDEOS