ARTICLE

"It's Never Too Late To Dream" û MAASINHON TRIO Launches Debut Album!


"Pilipinas Got Talent" season 3 grand winner Maasinhon Trio have finally launched their self-titled debut album under Star Records!

Ayon sa Maasinhon Trio na binubuo nina Andrew Sanchez, Licinio Lolo at Bonifacio Salubre, sobrang masaya sila sa blessing na ito na natanggap nila.

The trio won ABS-CBN's reality show "Pilipinas Got Talent" noong 2011 kung saan pinabilib nila ang publiko sa kanilang powerful singing voice. Two years ang hinintay nila bago mailabas ang kanilang debut album pero napatunayan naman nila na talagang "good things come to those wait."

Sa kakatapos lang na album launch at press conference nila ay naibahagi ng trio ang kanilang mga musical influences. Kabilang dito sina Gary Valenciano, Nonoy Zuniga at APO Hiking Society. 

Bukod sa pagiging magaling na singers ay mayroon din kanya-kanyang trabaho ang Maasinhon Trio sa kanilang hometown sa Maasin City, Southern Leyte. Si Andrew ay nagtatrabaho sa isang private company, si Licinio naman ay nasa isang government agency, habang si Bonifacio naman ay isang fire volunteer.

"It's never too late to dream." Iyan ang napatunayan ng Maasinhon Trio nang manalo sila sa PGT at ngayon na meron na silang sariling album. Gusto raw nilang maging inspirasyon sa lahat ng medyo may edad na at nawawalan na ng pag-asang mangarap. 

Ang self-titled debut album nila ay mayroong limang tracks, kabilang dito ang "Hanggang," "Kahit Isang Saglit," "Sana Ay Ikaw Na Nga," at ang carrier single na "Patuloy Ang Pangarap."

Available na ang debut album ng Maasinhon Trio under Star Records sa lahat ng leading record bars nationwide!

Feel free to leave your comments below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS