ARTICLE

ATENEO vs LA SALLE... Sa Music Museum?


Noong Biyernes ay ginanap ang first major concert ng Sponge Cola na "Maximum Capacity."

Sold-out ang first-ever major concert ng banda na dinaluhan ng kanilang family, friends, at siyempre, ng kanilang mga fans.

Isa sa mga guests sa nasabing concert ay si Mr. Pure Energy Gary Valenciano na naki-jam sa Sponge Cola sa awit nilang "Ayt" at ang buong pusong performance nila ng "Puso," kung saan nag-mistulang Ateneo vs La Salle ang Music Museum stage, complete with green and blue lights!

Si Gary V. ay nagmula sa De La Salle University habang ang mga miyembro ng Sponge Cola naman ay nagmula sa Ateneo De Manila University.

Sa performance na iyon ay sinamahan din sila ng ilang miyembro ng Blue Babble Battalion na ayon sa direktor ng concert na si Paolo Valenciano, ay first time na nangyari sa isang konsiyerto!

Panuorin ang excerpt mula sa kanilang performance ng "Puso" by clicking the video below!


Silipin ang MYXph.com exclusive photos from "Maximum Capacity" dito.

Sa kasalukuyang UAAP Season 76 ay nasa ika-pitong posisyon ng standings ang Ateneo sa record nilang 2-4 habang nasa ika-lima naman ang DLSU sa win-loss record nilang 2-3.

Kanino ka kampi sa Ateneo-La Salle rivalry? Leave a comment below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS