ARTICLE

BANDA NI KLEGGY Masayang Masaya Dahil Sa Fans na Dumalo Sa Album Launch Nila


Napanuod ninyo ba yung album launch ng Banda ni Kleggy? 

Dinayo ng MYXPH ang SM Manila para maki-join sa tugtugan ng banda! Halos napuno ang Activity Center ng mga estuyante na galing sa kung saan-saang mga eskuwelahan. Naghiyawan at kantahan ang buong audience kasabay ng mga miyembro ng banda at nagsipilahan para magpaautograph ng album pagkatapos ng event. 

Sinundan namin sina Kleggy backstage para malaman ang kanilang naisip tungkol sa pangyayari.

Nang tanungin sila tungkol sa kanilang paghahanda, sabi nila ay halos pupwede natin silang tawaging mga sundalo. "Para kaming mga sundalo...pahinga ng konti..laban ulit. Pahinga. Laban ulit.Pahinga. Laban...laban," ika nga ni Kleggy.

Aba! Talaga amang para nga silang mga sundalo dahil sa pagkabusy nila s amga gigs at radio tours. Sabi ng frontman ng banda, "first time lang na nangyari 'to sa buhay ko...at sa Banda Ni Kleggy. Sobrang saya! Di ko lang maexplain kung gaano kasaya! As in sobrang saya!"

Tuwang tuwa ang banda dahil naramdaman talaga nila ang suporta nga kanilang mga fans. Akalain mo! Dinayo pa talaga sila sa Manila at nagsibilihan ng album para lang makasama sa programa! Nakakataba nga daw ng puso dahil nafeel talaga nila na naniniwala ang mga tao sa kanialng mga kanta.

"Sa lahat ng estudyante, at sa lahat ng bumili maraming salamat si inyo lahat!" Sabi ni Kleggy. "Sana habang tumatagal din, mapasaya pa namin lalo ung mga tao na nakikinig at naninwala sa album na ginagawa namin."

 

Pupunta ba kayo sa next na gig nila? Anong masasabi niyo sa album nila? Sabihin niyo samin ang naiisip niyo! Magiwan kayo ng comment sa ilalim!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS