ARTICLE

Mga Fans Ng BANDA NI KLEGGY Tuwang-Tuwa sa Album Launch


Nakikanta ang MYXPH noong album launch ng Banda ni Kleggy last week. Nagulat ang mga miyembro ng banda pati narin sina Kean at Tatsi ng Callalily,Tutti ng 6Cyclemind at Eunice ng Gracenote nang nakita nila na halos puro estudyante ang nagsipunta sa event.

Tinanong namin si Kean kung meron silang kakaibang naexperience habang nagmeemeet and greet bago nagsimulo ang programa. Sabi niya, "there was this one girl who was crying, and we didn't know why! Siguro naoverwhelm siya dahil di daw siya nakaputna sa gig namin the other night pero nakapunta siya sa Banda Ni Kleggy." Dinagdag niyang sabihin, "natuwa kami kasi naging reunion siya ng mga schools...Lyceum, PUP, FEU...' 

Linapitan din namin ang mga fans para malaman kung ano ang masasabi nila tungkol sa album launch ng banda. Habang may isang nagsabi na "masaya yung experience, sobrang jamming. jamming kung jamming talaga!", meron namang nagsabi, "congrats sa album ng Banda Ni Kleggy, at sana tulyoy tuloy pa!"

Sabi nga ng isang babaeng dumalo "sulit ang Php 280! sana magtagal ang Banda Ni Kleggy!" Talaga namang mukhang tuwang-tuwa ang mga audience ng banda nung araw na iyon. Todo positive response and nakuha! 


Kelan kaya ang next gig nila! Pupunta ka ba? Sabihin niyo samin! Magiwan ng comment sa ibaba!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS