ARTICLE

JHONG HILARIO, Bilib Sa Kakayahan Ng Pilipino "Kaya Natin Makipagsabayan Sa Ibang Bansa"


Lumalaki na ang dance community sa bansa at unti-unti na natin lahat nakikita ang tunay na galing ng mga pinoy sa pagsasayaw!

Parating nanaman ang World HipHop Championship at halos todo train at nagsisliparan na ang mga representatives ng Pilipinas sa America. Nanalo ang Pilipinas sa Adult Division last year, salamat sa galing at talento ng ating pinoy team. Mananalo kaya tayo ulit this year?

Nakausap ng MYXPH si Jhong Hialrio, ang isa sa mga iconic dancers sa bansa, at tinanong namin siya tungkol sa kanyang tingin sa Philippine dance community. 

"Actually, pag dating naman sa talent hindi tayo nagpapahuli. Sa singing, acting, dancing... internationally meron na tayong representative na mga Pilipino!" sabi no Jhong. Di hamak na nakikilala na ang bansa sa mundo ng entertainment. Nagpatuloy na magsalita si Jhong, "as a dancer, nakikita ko na ang Pilipino kaya makipagcompete worldwide kahit anong genre." Nagtapos si Jhong na sinasabi na "kahit san mo dalhin, mga OFW natin walang mga trabaho, naniniwala ako na kaya nating makipagsabayan sa ibang bansa." 

Maging sa anumang bagay, may maibibigay ang mga Pilipino sa mundo. Kilala tayong hardworker, at ito ang magdadala satin sa tuktok kung pagigihan natin. 




Ano ang Masasabi mo sa sinabi ni Jhong? Magiwan gn comment sa ilalim!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS