ARTICLE

"Intelektwal, Pakikisama, Buhay, Kultura" û RON HENLEY on Philippine Hip Hop


Marami ang nakaka-misinterpret sa kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng salitang hip hop. Away, gulo, gangster, at kung anu-ano pa.

Sa isang interview namin kay Ron Henley ay idiniin niyang hindi raw tungkol dito ang hip hop.

"Mas maipagmamalaki na siya ngayon," ayon kay Ron. Nagdaan daw kasi ang hip hop sa hindi ito pinapansin, at iniisip ang mga salitang away, gulo at gangster. "Hindi naman tungkol sa ganoon yun, eh," dagdag pa ni Ron.

"Ang hip hop ano yan eh, intelektwal, pakikisama, isinasabuhay, kultura. Malakas talaga 'tong hip hop na 'to andyan si Abra, lalabas na yung album niya, lalabas na rin ang album ni Loonie." Nabanggit din ng rapper na magkakaroon ng mga collaborations na hindi inaasahan ng mga fans. "Yun yung mas nakaka-excite dun."

Ayon pa kay Ron, hindi lang naman daw hip hop ang malakas. "Mga banda malakas din, eh. Parehas silang nagtutulungan. Pag nagtulungan yung dalawang iyan, malakas ang tandem na yan. Lahat naman ng masterpiece, nag-uumpisa yan sa good collaboration," sabi niya.

Panuorin ang buo namin na interview kay Ron Henley sa video sa ibaba:


Ang EP ni Ron Henley na pinamagatang "Wala Pang Titulo" ay mabibili na sa lahat ng leading record bars nationwide. Maririnig niyo dito ang "Hagdan," "Biglang Liko," at ang upcoming single niyang "Atat" na mapapanuod niyo na ang music video dito sa MYX sa darating na August 1!

May message ba kayo para kay Ron Henley? Ipadala niyo yan sa kanya by leaving a comment below!

Comments

X

  • Jhuddepante

    posted 3 years ago

    <3

  • ja1207

    posted 3 years ago

    tanong ko lang pala, pinalabas ba ung official MV ng Biglang Liko sa MYX kahit isang beses lang...I heard the song pero ang vid ay MYX MO performance ata...siguro dahil na rin sa nature ng plot ng MV kaya ndi maipalabas

  • ja1207

    posted 3 years ago

    can't wait for ATAT

PHOTOS

VIDEOS