ARTICLE

YENG CONSTANTINO May Advice Sa Mga 'No-Boyfriend-Since-Birth' Diyan!


Kilala si Yeng Constantino noon bilang isa sa mga 'No Boyfriend Since Birth' hanggang noong June 26 nang i-post niya sa kanyang Instagram account ang photo nila ng kanyang boyfriend na si Yan Asuncion.

"Sobrang saya ko. Sobrang blessed ako sa boyfriend ko na binigay ni God sa akin... Sobrang na-pproud lang din ako sa kanya," masayang pagbabahagi sa amin ni Yeng nang binisita namin ang set para sa kanyang bagong music video na "Sandata."

Dahil dito, tinanong namin si Yeng kung ano ang advice na mabibigay niya sa mga no-boyfriend-since-birth diyan na tila nawawalan na ng pag-asang mahanap ang 'the right one' para sa kanila.

"Wag kayong mainip! Pero wag din kayong maging pihikan. Baka naman kasi nandyan na pala sa harapan niyo yung binibigay ni God, nilalampasan niyo lang ng tingin dahil sa mga checklist niyo," sabi ni Yeng.

Aminado ang singer na noon daw ay mayroon din siyang sariling checklist kung saan nakalagay ang mga "dapat ganito, dapat ganyan, dapat ganito, dapat ganyan" niya sa isang lalaki. Pero isa sa mga natutunan ni Yeng na "Sa love hindi pala ganun. Kapag andun ka na sa relationship tuturuan ka ni God na mag-give. Hindi yung puro papunta lang sayo.... Parang nadidiscover mo ulit yung sarili mo. Maghintay kayo for that one person kasi mabe-bless kayo, sobrang nakakatuwa," dagdag pa niya.

Panuorin ang buong interview namin kay Yeng by clicking the video below:


In other news, pasok na sa MYX Daily Top Ten ang isa sa dalawang bagong music videos ni Yeng na "Sandata"! Hawak nito ang ika-sampung slot sa daily countdown. Makapasok din kaya ang "Josephine" sa DTT? 

Ipadala ang inyong shoutouts kay Yeng Constantino by leaving a comment below!

Comments

X

  • angel143

    posted 3 years ago

    relate!

  • dd_eislemor@yahoo.com

    posted 3 years ago

    ahmmpt

PHOTOS

VIDEOS