ARTICLE

May Bagong Music Video? Alamin Kay Kean Kung Ano Ito, Pansamantala!


Binisita ng MYXPH si Kean kanina at inalam ang balita tungkol sa bagong music video! May idea na ba kayo kung para sa anong banda ito?

Aba siyempre para ito sa Callalily! Dinayo namin ang shoot location ng banda sa may UP para makausap si Kean upang mabigay namin sa inyo ang latest news! 

Busy na busy si Kean at ang kanyang team kanina. Nagsimula ang shoot ng 7am sa ibang location at matatapos siya ng 2am sa parehong araw. Jam-packed na jam-packed nga naman! 

Takbo dito, takbo duon, si Kean ay parang kiti-kiti na hindi natapos tapos makipagusap sa crew. Siguro nga'y ganun talaga kapag ikaw ang director ng music video. 

Oo! Si Kean ang siyang nagisip ng lahat! Sobrang hands on niya na pati ang camera angles at costume, siya narin ang nagisip! 

Sinundan namin ang buong proseso at nagtake ng behind the scenes photos para sa inyo! Tignan niyo dito.

Habang hinihintay na bumaba ang araw para sa night scenes, umupo kami sa tabi ng director, na siya ring actor ng music video, na si Kean Cipriano.

"Nung sinabi sakin na ako gagawa ng music video ng Callalily, sabi ko...Oh! Callalily what's that band?" biro ni Kean. Nagsimula siyang magkwento tungkol sa music video saying na plinano niyang gawing narrative yung video dahil acoustic ang kanta. 

"Yung lyrics ng kanta.. yun ung sinasabi ng utak nung singer, nung bidang character sa music video na ako," sabi ni Kean. Nang tanungin namin siya kung mahirap guamwa ng video, sabi niya "it's kinda tough, kasi first itme na music video na ako yung magdidirect... at apparently ako rin ung actor sa music video. At callalily music video siya, kaya its an honor to do this."

Yung video daw ay nakasentro sa storya ng isang cliche na reality naman: "sometimes yung gusto mo na tao, may gustong iba." Sa video makikita ang feeling na parang nasa gitna, parang di mo alam kung sino ka sa taong gusto mo. Yung character ni Kean ay "nasa malabong sitwasyon na hindi mo alam kung san ka lulugar." Kanta siya para sa mga taong nakakaexperience ng relationship na di alam kung "pupunta ba somewhere or pupunta lang somewhere there," ika nga ni Kean.




Gusto niyo ba makita ang mga out takes ng music video? Abangan! Ipapakita namin sa inyo ang mga kiligan, katuwahan at ang seryosong paglalaan ni Kean ng oras para gawin ang music video na ito. 

Excited na ba kayo? Sabihin niyo sa pamamagitan ng pagiwan ng comment sa ibaba!

Comments

X

  • Kenneth01

    posted 3 years ago

    Gilid Moonstar88 ang cute. :)

  • dudan15

    posted 3 years ago

    cant wait to see the music video...:)

  • regz21

    posted 3 years ago

    Vote nyo na lang space

  • ja_1207

    posted 3 years ago

    dfgd

  • ja1207

    posted 3 years ago

    dfgd

PHOTOS

VIDEOS