ARTICLE

Pinoy Metal Fans Nag-Headbang-an Sa KILLSWITCH ENGAGE Concert!


Masakit malamang ang mga leeg at kasu-kasuhan ng daan-daang fans ng metalcore band na Killswitch Engage!

Ito'y matapos mag-slaman at mag-headbang-an sa concert ng American band kagabi sa SM Skydome.

Enjoy na enjoy ang mga KsE fans sa halos dalawang oras na performance ng banda.

"Thank you all so much for being here at Killswitch Engage's first show in the Philippines," sabi ng bokalistang si Jesse Leach.

Kasama niya sa gabing ito ang mga gitaristang sina Adam Dutkiewicz at Joel Stroetzel, bassist na si Mike D'Antonio, at si Jordan Mancino ng bandang As I Lay Dying na pinalitan pansamantala ang injured na drummer na si Justin Foley.


Front act kagabi ang Slapshock na naka-bonding ng Killswitch isang gabi bago ang show.

Tignan ang mga kuha mula sa concert sa aming photo gallery dito.


Masaya ding nakipag-chikahan ang bokalistang si Jesse at ang napaka-bibong gitaristang si Adam D sa aming MYXph.com exclusive interview.

Panoorin ang ilang highlights ng concert at ng aming panayam sa ibaba.



Mistulang um-epal naman si Jamir Garcia sa aming MYXph.com interview at sinampolan ang isang trick na natutunan niya sa ating mga bisita isang gabi bago ang concert!


Salamat sa Pulp Live World at Warner Music Philippines para sa head-banging experience na ito!

Manood ng MYX News sa Sabado 6:30PM for more of Killswitch Engage! Metallize!

Mag-iwan ng komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS