ARTICLE

"I Know Team Pilipinas Will Bounce Back!" - JAMIR GARCIA. Watch The MYX 3on3 Finals TONIGHT @6:30!


Hinayang na hinayang ang sambayanan sa pagkatalo ng ating home team sa FIBA Asia Championship.

Lamang ng 13 points ang Team Gilas sa umpisa ng 4th quarter ngunit uminit ang 3 point shooting ng kalabang koponan mula sa Taiwan.

Hindi na nakarekober pa at natalo nang tuluyan ang Philippines sa final score na 84-79.

Shocked na shocked ang mga nanood sa MOA Arena at sa telebisyon. Naging usap-usapan sa social media ang masaklap na pangyayaring ito para sa basketball crazy Pinoys.

Natanong namin si Jamir Garcia, na miyembro ng Red Team sa sariling liga natin na MYX 3on3, kung ano ang kanyang reaksyon sa game.

"Well, I know Team Pilipinas wil bounce back. We just have to learn from our mistakes," sabi ng bokalista ng Slapshock, na nag-front act kamakailan lamang sa American metalcore band Killswitch Engage.

Check out their photos from the concert here

Isang rason daw ng pagkatalo ng team natin kagabi ay ang pagbe-bench ng mga players na maganda naman ang nilalaro.

"I'm not a fan of batallion substitution. They should have kept the ones who's effective," dagdag pa ni Jamir.

Maging effective naman kaya mamaya ang team play ng kanyang Red Team versus the Green Team sa kanilang championship match?

Tutukan ang exciting na MYX 3on3 Season 2 Finals match ng defending champs at ng team ni reigning MVP.

Tune in to MYX at 6:30PM!

Anong reaksyon ninyo sa pagkatalo ng Team Gilas kagabi?

Maagaw naman kaya ng Red Team ang Championship, or mag-ba-back to back ang Green Team sa MYX 3on3?

Pakisulat ang inyong mga komento sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS