ARTICLE

ANNE CURTIS, Rapper Na Pala? Panuorin Siya Kumanta Kasama Ng Concert King


Si Anne Curtis, bumirit kasama ng Concert King na si Martin Nievera? 

Napanuod niyo na ba ang bagong video na kumakalat sa Facebook at Youtube? Kung hindi pa, ay dapat tignan niyo na!


Todo kanta si Anne Curtis at Martin Nievera ng mashup ng "With or Without you" ng U2 at "Without You" ni Usher para sa SessionsOnQ na mismong tikatakbo ng Music Director ni Anne Curtis at Gandang Gabi Vice na si Marvin Querido. 

Ang music video ay nagmumukhang ala behind the scenes. Makkikita niyo si Anne na nakaputi lamang habang nageemote sa harap ng mikropono, pati narin si Martin na nakajacket at todo kanta kasama ang tumutugtog na banda. 

Ano ang palagay niyo sa pagtatambal na ito? 

Tinignan ng MYXPH ang mga comment ng mga nakapanuod sa YouTube at ito ang sabi nila:




Mukhang madaming di nagexpect nitong duet na ito dahil hindi lamang ang fans ang nagulat, pati ang mga Facebook at YouTube users rin!Makikita  sa comments na marami ang humahanga kay Anne dahil guamgaling siya ng gumagaling sa pagkanta. Mayroon pa ngang natuwa dahil nagrap siya! Ibig sabihin ba nito ay may future maging rapper si Anne? Kayo ang magsabi!

Talaga naman na si Anne ay tinabi pa sa isang magaling at beterano na singer. Masasabi niyo ba na napantayan niya ang galing at ganda ng boses ni Martin Nievera? 

Kung gusto niyo pang makakita ng iba pang comments at reactions, bisitahin niyo ang Facebook at YouTube account ng SessionsOnQ! 

Sabihin niyo samin ang iniisip ninyo! Magiwan ng comment sa ilalim!


Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS