ARTICLE

"Pansamantala" Music Video: Bonding at Kasweetan Behind The Scenes

 


 Excited na ba kayo makita ang bagong music video ng Callalily para sa kanta nilang "Pansamantala"? 

Tiyak na kikiligin kayo sa bonding moments ni Kean at co-start niyang babae sa music video! Matagal tagal pa bago lumabas ito, kaya't buti nalang ang MYXPH ay nandoon nung shooting nito para mabigyan kayo ng sneak peek! 




Nakausap namin si Kean at nakuwento niya ang storya ng music video na kanyang dinerekt. "Yung tema kasi ng music video ng "Pansamantala".. may isang lalaki na kinokonsider niya na best friend niya ung babae na kinoconsider nila ung isat-isa na magbestfriends sila... Yung lalaki sumasama lang palagi sa babae. Tag along friend siya... pero may boyfriend yung babae," sabi ni Kean. Wow! Mukhang malaking issue yun ah! Ano kaya ang mangyayari sa kawawang character na pliniplay ni Kean?

Sabi nga ni Kean na may hidden desire ang character at di rin masisisi dahil hindi lamang maganda yung babae, sweet din siya. Ang music video ay nakasentro sa idea na "puwedeng puwede siya at perfect siya sayo pero may boyfriend siya."

Ang konsepto na ito ay  inisip lahat ng direktor na siya ngang siya rin ang nagplay! Hindi lamang actor si Kean dito pero siya rin ang direktor! "I like telling stories and talking to people... it's like imaginations coming to life," sabi ni Kean nung tinanong namin siya kung ano ang pakiramdam ng pagdidirekt.

Tinapos niya ang interview with a request to the fans. "MYXPH make it number one. Make me happy. Make us happy! Keep voting! Tell your friends to vote... tell your cousins to vote... tell your parents to vote!"

Anong masasabi niyo sa behind the scenes shots na nakuha namin? Magiwan ng comment sa ilalim!



Comments

X

  • Almina Keith Alimen

    posted 3 years ago

    ansaveh ng hair style ni idol :|

PHOTOS

VIDEOS