ARTICLE

KEAN CIPRIANO: "I cant see myself not making music" But In An Alternate Universe, I Would Be A...


Ang mga singer, di naman pinanganak na singer. Once upon a time, nagdream din sila na maging kung anu-ano pag laki. Nacurious ang MYXPH at lumapit sa mga artist para malaman kung talaga ngang ang pagiging musician ang kanilang pinangarap. Isa sa mga nalapitan namin ay si Kean Cipriano ng Callalily na siya ngang nagreveal ng ibang klaseng pangarap noong bata pa siya!

Tinanong namin si Kean, "If you're not making music, what would you be doing?" Ang sagot ng singer? "I cant see myself not making music, by the way." Talaga namang ramdam na ramdam ng MYXPH ang pagmamahal ng Callalily frontman sa musika. 


"Eh kunwari nga, di ka kumakanta, ano yung dream mo noong bata ka pa?" tanong namin. Akala namin ordinaryo lamang ang sasabihin ni Kean... "ang dami naman siguro na katulad ko na gusto maging astronaut." 

Astronaut? Naiimagine niyo ba siya na nakahelmet at nasa buwan? Nang tanungin kung bakit astronaut, ang sabi niya "iba siya eh." Talaga nga naman, may dating talaga pag sinasabi mo na astronaut ka.

Nagpatuloy si Kean sa sinasabi, "hindi kasi ako marunong magdrawing. Di ako magaling sa math. Yung music lang yung feeling kong nakikita ko na reality... at siya rin ung kabaliktaran nun. Siya rin ung fantasy. Siya rin ung ibang universe." 

Para sa artist na ito, ibaliktad man ang mundo, hindi magiiba. Gagawa at gagawa parin siya ng kanta. 

Eh yung ibang artist kaya? Astronaut rin ba?

Sino pa ang gusto ninyong interviewhin namin? Magiwan ng comment sa ilalim!

Comments

X

  • gkayze@yahoo.com

    posted 3 years ago

    bamboo!!!!:))
    plz...tnx

  • aprilunplugged

    posted 3 years ago

    pls interview UDUB for me!..hhehehh thanks!

  • gen_abalosam

    posted 3 years ago

    pa-interview po si VJ Sam!! curious lng po aq.. haha. tnx po! :)

PHOTOS

VIDEOS