ARTICLE

JHONG HILARIO Confident Na Kayang Tumumbling Na Nakabarong!



Dati, isang tingin lang, alam mo na dancer na. Ngayon? Iba na. Di na nakadepende sa suot ang galing ang talento. Para kay Jhong Hilario, ang tunay na dancer ay may passion na nasa puso.

Tinanong ng MYXPH si Jhong tungkol sa masasabi niya sa kakaibang dance outfits sa panahon na ito!



May mga panahon na "akala mo office boy o office girl... pero magaling pala sumayaw!" sabi ni Jhong. Nagkwento si Jhong tungkol sa trend dati nung araw niya. "Before kapag dancer ka, porma mo hiphop, pero ngayon, yung fashion...mixed narin. Yung mga dancers, iba iba narin porma." Sino pa bang makakaalam nito kung siya na mismong nakapag experience ng generations of dance. 

Nang tanungin namin siya tungkol sa sarili niyang style as a dancer sabi niya, "ako kasi more of characer ako eh, more of kung ano lang gusto ko suotin. Kung ano gusto ko na look this day yun na. Pag in terms of dancing, kahit nakabarong ako or nakasuot ako ng suit kaya ko tumumbling. Di ka na kailangan pumorma ng maluwag na pantalon para magbreakdance."

Tianpos ni Jhong ang interview by saying "yung talent mo nasa kawatawan mo. Yung costume... panlabas nalang yan, pero yung nasa puso, kapag andun..okay na."

Agree ba kayo sa sabi ni Jhong? Magiwan ng comment sa ilalim!

Comments

X

  • maigel95

    posted 3 years ago

    the best tlga si kuya Jhong..!!! wow!!! idol ko talaga sya.

  • ju1996

    posted 3 years ago

    agree,,graveh talaga ci kuya jhong iba talaga siya galing niyang sumayaw>>

PHOTOS

VIDEOS