ARTICLE

JUNJI ARIAS Kinailangan Ng Diapers Sa Kanyang Audition?!?


Ibang level nga naman siguro ang sumabak ka sa blind audition ng "The Voice of the Philippines". 

Buong Pinas at napakaraming Pinoy sa buong mundo lang naman ang makakapanood nito.

Bukod doon, apat na malulupit na coaches lang naman ang kailangan mong i-impress sa iyong performance.

Sa aming MYXph.com exclusive interview, pabirong sinabi ng contestant na si Junji Arias na kinailangan niya ng diapers sa nerbyos during his audition!

"Yung blind auditions 'kala ko hindi ako kakabahan kasi sanay na 'ko. 'Yun pala kinailangan ko ng diapers. Ibang experience pala itong competition," sabi ng Team Sarah member.

"Lumalabas 'yung competitive nature ko lalo. Ako 'yung own worst critic ko,eh tsaka own worst enemy at the same time," dagdag ni Junji.

May mensahe din siya sa kanyang mga taga-hanga sa reality singing show: "I really appreciate your support and hopefully mabigay ko sa inyo 'yung ine-expect niyo."

I-click ang kabuoan ng aming interview kay Junji Arias sa ibaba.


Sundan si Junji at ang lahat ng natitirang finalists sa live shows ng "The Voice PH".

Manood tuwing Sabado after MMK at tuwing Linggo after Rated K sa ABS-CBN.

I-share niyo naman ang isang nakakakabang "pupu-inducing" experience ninyo sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS