ARTICLE

BASSILYO Humingi Ng Tawad Sa Pamamagitan Ng Kanta!


"Nobody is perfect." Iyan ang linyang madalas sinasabi ng lahat. Lahat tayo nagkakasala at meron din mga pagkukulang. Pero may oras ba tayo para ihingi ito ng tawad sa Diyos? 

Ito ang dahilan kung bakit nasulat ng rapper na si Bassilyo ang awit niyang "Lord Patawad." Sa exclusive interview ng MYXph.com ay nai-kwento niya sa amin ang istorya sa likod ng kanyang awitin.

"Medyo matagal na yung kantang yun. Tungkol yun sa mga kasalanan ko," panimula niya, sabay linaw na hindi naman daw lahat! "Siguro mga 90% nun galing sa totoong buhay ko tapos yung 10% yun yung mga nakikita ko sa kapaligiran natin. Minsan sobrang busy natin, nakakalimutan na natin na bigyan Siya ng oras. Patawad patawad din pag may time!" kwento pa ni Bassilyo.

Ang music video ng "Lord Patawad" ay meron nang halos 5.8 million views sa YouTube!

Panuorin ang buong interview namin kay Bassilyo by clicking the video below!


Nakaka-relate ka ba sa "Lord Patawad" ni Bassilyo? Leave a comment below!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS