ARTICLE

Success Ang SILENT SANCTUARY "Monodramatic" Album Launch!


Inumpisahan ng Silent Sanctuary fans ang kanilang long holiday noong nakaraang weekend sa Trinoma Activity Center!

Ito'y bilang pag-support sa kanilang favorite OPM band na nag-launch ng kanilang "Monodramatic" album under Ivory Music.

Present ang families and friends ng banda sa isa na namang milestone sa kanilang music career.

Natigil din ang shopping ng buong mall at naki-sound trip sa trademark "classical music meets rock music" ng Silent.

Tinugtog nina Sarkie Sarangay (lead vocals, guitars), Anjo Inacay (cello), Chino David (violin), Jason Rondero (bass) at Allen Calixto (drums) ang mga kantang nagpa-sikat sa kanila.

Ilan dito ang "Rebound", "Kundiman" at "Hiling", pati siyempre ang current single nilang "Bumalik Ka Na Sa 'Kin"!

May special appearance din sina Ron Henley at si Ms. Ashley Gosiengfiao na may collab kasama ang banda sa kantang "Meron Nang Iba".

Check out images from the album launch here.

Ano pang hinihintay ninyo? Bili na ng sarili ninyong kopya ng "Monodramatic" or i-download na ang mga kanta sa iTunes!

Patuloy ninyong iboto ang music video ng "Bumalik Ka Na Sa 'Kin" sa aming online voting poll.

Were YOU there sa "Monodramatic" launch?

Anong character ni John Lloyd ang pinakagusto ninyo sa music video ng "Bumalik Ka Na Sa 'Kin"?

Leave YOUR answer sa comment box sa ibaba.

Comments

X

  • marianelcollado

    posted 3 years ago

    gusto ko sila mameet :D

  • tsarmeyn

    posted 3 years ago

    pinaka gusto ko yung part ni kuya allen "Tadyakan kita dyan eh! - Mahalik kita dyan eh!" :) Congrats kuyas! hinding hindi ako mag sasawa sa inyo. mahal ko kayo john lloydssss <3

PHOTOS

VIDEOS