ARTICLE

RADHA Talks About Her Awesome Battle With MARISSA On "The Voice"!


It was all about R.E.S.P.E.C.T. for two performers who shared the stage and gave a superb show!

Napanood sa "The Voice of the Philippines" ang pinaka-hinangaang battle sa pagitan ng Team Lea members na sina Radha at Marissa!

"First time ever na nangyari po sa Battle, standing ovation from all of our coaches (and) studio audience," sabi ng host na si Toni Gonzaga right after ng duet nila ng kantang "Respect" na pinasikat ni Aretha Franklin.

All four coaches were impressed and were all praises for them pero ang desisyon ni coach Lea mattered most.

"You gave the studio something to remember. This was really a battle... It was a beautiful give and take that was so much fun for us to watch... because I believe this woman ay karapat-dapat din na magkaroon ng pangalawang pagkakataon para sumikat... Radha!"

Ito ang pinaka-huling pagtatagisan ng galing ng ating mga contestants na kumumpleto na sa cast ng 24 finalists sa "The Voice PH".

It ended the battle round with a bang dahil sa pag-trend nito sa social media sites!

"I never feel the need na kailangan ko manglamaon ng kasama ko sa stage. As much as possible, kaming dalawa, maganda ang performance kasi at the end of the day ang tinitignan ng tao, 'yung over-all itsura nung show," sabi ni Radha sa aming MYXph.com exclusive interview.

Alamin ang kanyang naramdaman sa gitna ng binansagang "best battle ever" sa aming video sa ibaba.


Patuloy na manood ng "The Voice" every weekend, Saturdays after MMK and Sundays after Rated K.

Ano ang masasabi ninyo sa battle nina Radha at Marissa? Feel free to leave YOUR opinion in our comment box below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS