ARTICLE

JOHNOY DANAO Hanga Kay Manuel Quezon!

 
Ginuginita natin ngayon ang Araw ng Lungsod Quezon, pati ang kaarawan ng dating Pangulong Manuel Quezon na ipinanganak noong 1878.

Siya ang ikalawang presidente natin pagkatapos ni Emilio Aguinaldo, at unang presidente natin sa ilalim ng Commonwealth Government.

Natanong ng MYXph.com ang kahanga-hangang mang-aawit at kompositor na si Johnoy Danao kung sino ang bayaning ini-idolo naman niya, at ito'y walang iba kung hindi ang "Ama ng Wikang Pilipino".

"Bilang siya ang nagsulong na magkaroon tayo ng pambansang wika. Isang pinakasimple at malinaw na pagpapakilala natin sa buong mundo ay ang paggamit natin ng sariling wika," sabi ni Johnoy.

Ang lenggwaheng Tagalog daw ay mahalaga sa pag-hubog ng ating kultura sa pamamagitan ng mga kantang itinuturing na sariling atin. 

"Di man nila maintindihan agad, malalaman nilang Pilipino yung awitin na narinig nila."

Nagsilbing Pangulo ng Pilipinas si Manuel Quezon mula 1935 hanggang siya ay pumanaw sa sakit na tubercolosis noon August 1, 1944.

Si Johnoy Danao naman ay nagwaging 1st runner-up sa nakaraang Phil Pop Music Festival 2013 songwriting competition kamakailan lamang.

Sa kasalukuyan ay nire-record na niya ang kanyang pangalawang solo album.

I-click ang aming MYXph.com exclusive interview sa kanya kung saan nagkwento siya tungkol sa Phil Pop winning entry niyang "Kung 'Di Man" featuring Ney Dimaculangan.


Maligayang Araw ng Lungsod Quezon sa mga taga-QC!

Sana ay ligtas din kayong lahat mula sa maulang panahon na ito.

Feel free to leave YOUR comments below.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS