ARTICLE

ANGELIQUE ALCANTARA Inalala Ang Kanyang Audition!


Ano kaya ang nararamdaman ng "The Voice" contestants habang sila ay nag-a-audition?

Napaki-usapan namin ang 17-year-old singer na si Angelique Alcantara na sariwain ang kanyang experience sa blind audition ng "The Voice of the Philippines".

"Yung feeling ko po nag-numb po talaga 'yung katawan ko," sabi ni Angelique sa aming eksklusibong interview.

"Tapos na-fi-feel ko yung microphone lang po talaga," dagdag pa niya.

Hindi rin niya maipalawanag ang naramdaman niya nang umikot si coach Bamboo para sa kanya. Wala daw kasi siyang gustong kabilangan kung hindi ang Team Kawayan.

"Siya lang 'yung umikot sa akin. Ang sarap sa feeling tapos siya pa yung talagang pinaka-first choice ko po," ayon sa Samal Island native.

Panoorin ang aming MYXph.com exclusive video sa ibaba kung saan nag-iwan din siya ng mensahe sa kanyang mga taga-hanga back home in her own dialect! 


Happy Kadayawan Festival kay Angelique Alcantara at sa lahat ng mga Davaoe±os diyan!

Show YOUR support sa inyong kababayan na nakapasok na sa Top 24 finalist ng "The Voice PH" sa ming comment box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS