ARTICLE

Band Vocalists Nag-Share Ng "Epic Fail" Bagyo Moments!


Bad trip ka na ba sa walang tigil na ulan dulot ni Maring?

Malaking perwisyo na ba ang nahatid ng torrential rains at pagbaha sa buhay mo?

Tandaan mo na lang na hindi ka nag-iisa.

Tandaan mo na lang na bilang Pinoy, malalampasan mo 'yan!

At para lang patunayan na walang pinipili ang mga ganyang kalamidad, natanong namin ang tatlong bokalista sa OPM scene kung ano ang kanilang worst rainy day experience!



Isang bagay ang "Hiling" ni Sarkie Sarangay ng Silent Sanctuary. Ang hindi na maulit muli ang nangyari noong 2009 birthday niya. May bisita kasi siya na nagngangalang "Ketsana" at may nickname na "Ondoy"!

Panoorin ang kanyang kwento sa video sa ibaba.


"Tensionado" naman si Jeff Bolivar ng Soapdish nang minsang na-trap siya sa UST. Normal na naman sa mga lugar sa paligid ng Espana sa Maynila ang ma-stranded sa baha, pero hindi siguro sa loob ng tatlong araw tulad ng nangyari kay Jeff!

I-click ang MYXph video sa ibaba.



Nagka-car problems naman si Enzo Villegas nang minsan siyang maglakbay sa gitna ng ulan kasama ang ex-GF niya. Naku, hindi yata "masarap maging single" nang dahil hindi ka marunong mag-trouble shoot sa oto mo!

Alamin ang nangyare sa aming MYXph exclusive interview sa ibaba.


I-share ang inyong sariling "worst-ever rainy day experience" sa aming comment box sa ibaba.

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS