ARTICLE

Nagsalita Ang Mga Estudyante: The UPCAT Experience


Bago pa magtraffic sa luob ng UP, nagmadali na nagpunta ang MYXPH sa campus para kausapin ang mga estudyanteng applicants!

Ang UPCAT ang isa sa pinaka dinudumog na exams sa buong Pilipinas. Halos daan-daang mga estudyante galing sa iba't ibang mga paaralan ang nagpupunta sa UP para sagutan ang exam na siyang puwedeng maging paraan nila upang makapasok sa isa sa mga prestigious na universities sa buong bansa. 

Kinausap namin ang ilan para alamin ang masasabi nila tungkol sa exam. Para kay Carl at Jason, masasabi nilang madali lamang ang test. Sabi nga nila, "sobrang daming tanong, at yung time sobrang ikli! Kaya nakakapressure." 

Aba! talaga naman at dahil right minus wrong pa yan, aba siyempre, mas mahihirapan ka pa!

Para naman kay Sam na gustong makapasok sa kursong food tech, ang UPCAT ay isang bagay na worth it na tutukan. Biro mo, hindi daw siya nakipagkita sa kanyang mga kaibigan para lang magafocus sa exam! Dedication ang tawag duon. Todo dasal naman daw siya kasama ang kanyang lola at excited na niyang makita ang resulta.

Nang tanungin naman namin si Nina, Christine at Jericho kung kamust aang kanilang exams, agad agad nilang sinabi na kinaba sila at nastress. Pangarap pa naman nila na makapasok sa kursong HRM, mechanical engineering at accountancy. Para sa kanila, ang kanilang pagaaral ay siyang magsasabi kung sila ay deserving makapasa. "Sana pumasa kahit papano," ika nga nila.

Ang huling nakausap namin ay si Carlo na galing pang Novaliches Highschool. "Ayos lang po, medyo madali at medyo mahirap," sabi niya nung tinanong namin siya tungkol sa kanyang experience. Mukha namang confident si Carlo dahil 11 PM pa lan ay nakatulog na siya sa sobrang excitement!

Hintay hintay lang, malalaman rin ninyo lahat kung kayo'y pumasa! At kung hindi, san kaya ang mga estudyante mapupunta?  


Anong masasabi niyo? mahirap ba or madali ang UPCAT? Magiwan ng comment sa ibaba!

Comments

X

  • Ardee0319

    posted 3 years ago

    Madali lang ang UPCAT, basta't nag-review ka nang mabuti at medyo ginamit ang common sense sa exam. =)

    Proud BS Applied Mathematics student here. (UPLB)

PHOTOS

VIDEOS