ARTICLE

Mga Anting-Anting At Pamahiin Para Pumasa ng UPCAT


Nagsalita ang mga estudyante tungkol sa kanilang mga ginamit na anting-anting at pamahiin upang pumasa ng UPCAT! 

Nang dinayo ng MYXPH ang UP, nabigyan kami ng pagkakataon na malaman nag mga sekreto ng mga estudyanteng nais pumasa. Habang yung iba ay nag pabless ng lapis kay father noong first friday mass, mayroon namang iba na umiwas sa mga kasabihan katulad ng pagpapapicture sa oblation dahil bad luck daw ito!

Mayroon kaming nakausap na estudyante na gumamit pa ng libro! Para siguro di niya makalimutan ang mga naaral niya, siya ay naglagay ng libro sa ilalim ng kanyang unan noong gabi bagong UPCAT. Ang isa, barya naman ang ginamit! Sabi niya na ang paglalagay raw ng barya sa sapatos ay makakatulong sa pagtanggal ng kaba. 

Mukhang samut-saring mga pamahiin at anting anting ang ginamit ng mga estudyante upang pumasa ng UP!


Eh ikaw? Ano ang ginawa mo para pumasa? SAbihin sa amin sa pamamagitan ng pagiwan ng comment sa ilalim!

Comments

X

    PHOTOS

    VIDEOS