ARTICLE

YOUNG JV at GARY V. Nag-Collaborate Sa Isang Dance Track!


Noong Linggo ay inilunsad na ni Young JV ang kanyang pinaka-bagong single na "Ngiti" feat. Mr. Pure Energy himself Gary V. sa isang performance sa Sunday noon time variety show ng ABS-CBN na ASAP 18. 

Kasabay ito ng pagtanggap ni Young JV ng Gold award para sa kanyang album na "Doin' It Big" under Star Records.

Kabilang ang "Ngiti," kung saan kasama rin ang singer-songwriter-producer na si Thyro Alfaro, sa re-packaged edition ng nasabing album.

Sa isang recent interview ng MYXph.com sa 23-year-old singer ay nakapag-kwento siya ng kaunti tungkol sa bago niyang single.

"It's very big kasi this song is very touching in any way. I believe na this is gonna be a strong song for the Filipinos not only here sa Pilipinas but worldwide... Alam mo naman ang mga Pilipino kahit gaano kahirap ang buhay, we smile."

Ayon kay Young JV, malapit na raw nilang simulan ang music video para sa track na ito kaya abangan niyo yan dito lang sa MYX, soon!

May mensahe ba kayo para kay Young JV? Ipadala yan sa kanya by leaving a comment below!

Comments

X

  • miss em

    posted 3 years ago

    gosh yan lang yata idinagdag sa re-package...dapat tatlo or lima:(

PHOTOS

VIDEOS